3 bata nalunod

MANILA, Philippines - Tatlong batang babae ang iniulat na nasawi makaraang tangayin ng malakas na agos at malunod habang naliligo sa Pampanga River sa bayan ng San Simon, Pampanga noong Lunes.

Tumagal ng ilang minuto bago pa lumutang ang mga bangkay nina Carmela Setin, 11; Rica May Setin, 7; at Jocelyn Jarlego, 14.

Ayon sa ulat, tinangay ang isang bata ng malakas na agos kung saan tinangka namang dalu­han ng dalawa pa na kinapitan naman ng una hanggang sa malunod ang tatlo.

Show comments