BATANGAS, Philippines – Sinikwat ni kamatayan ang isang 58-anyos na kawani ng University of the Philippines sa Los Baños, Laguna matapos na barilin ng nag-iisang lalaki sa bisinidad ng Maharlika Highway sa Barangay San Pedro sa bayan ng Sto. Tomas, Batangas kamakalawa ng umaga.
Kinilala ni P/Supt. Raul Tacaca, ang napatay na si Anacleto Mercado ng Brgy San Isidro Sur, Sto. Tomas, Batangas at nakatalaga sa Forestry Department ng UP-Los Baños.
Lumilitaw na papasok na sana sa trabaho si Mercado habang nag-aabang ng masasakyan nang lapitan at barilin sa ulo at likurang bahagi ng katawan bandang alas-6:35 ng umaga.