^

Probinsiya

'Holdap me,' sinisilip ng -pulisya... Manager hinoldap: P12.5 milyon tangay sa mall

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna , Philippines   — Aabot sa mil­yong halaga ng pera ang natangay mula sa manager ng money changer sa naga­nap na holdap sa loob ng mall sa bayan ng Das­ma­riñas, Cavite kaha­pon ng umaga.

Lumilitaw sa inisyal na police report, katatapos lang mag-withdraw ng pera sa Robinsons Bank na nasa Robinsons Mall si Alfredo Manalo, manager ng JMY Money Chan­ ger nang holdapin ng mga armadong lalaki bandang alas-10:12 ng umaga.

Sa pahayag ni Manalo sa mga imbestigador, bigla na lang siyang tinutukan ng baril ng apat na kala­ lakihan bago hinablot ang hawak na halagang P12.5 milyon.

Reklamo ni Manalo, na­ganap daw ang panghohol­dap sa harap lang ng mga security guard ng mall pero hindi man lang daw siya natulungan. Sinisilip ng mga imbes­ti­gador ang anggulong ‘inside job’ ang naganap na holdap dahil sa sinasa­bing may ilang be­ses na nahoholdap si Ma­­nalo si­mula pa noong 2005 kaya isasailalim siya sa tactical interrogation, ayon kay P/Senior Supt. P. Tabujara.

vuukle comment

AABOT

ALFREDO MANALO

CAVITE

LUMILITAW

MANALO

MONEY CHAN

REKLAMO

ROBINSONS BANK

ROBINSONS MALL

SENIOR SUPT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with