PANGASINAN, Philippines — Isang negosyanteng Bumbay ang pinagbabaril at napatay ng tatlong maskaradong lalaki sa kahabaan ng highway sa Brgy. Sta. Maria sa bayan ng San Jacinto, Pangasinan kamakalawa.
Limang tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Satnam Singh, 25, ng San Vicente East, Urdaneta City. Sa pagsisiyasat ng pulisya, papunta sana sa kanyang mga kostumer ang biktima upang magdeliber ng mga inorder na kumot at tuwalya nang ratratin ng motorcyce-riding assasins.
Hindi na umabot ng buhay sa Manaoag District Hospital ang biktima kung saan narekober naman ang limang basyo ng bala, cash na P8,487, celpone, immigration ID, driver’s license at iba pang personal na gamit ng biktima.