Bata pisak sa van

BULACAN, Philippines — Napisak at namatay ang batang babae makaraang sagasaan ng pick-up van up sa harap ng kanilang bahay sa Barangay San Jose sa bayan ng Hagonoy, Bulacan kahapon. Kinilala ang nasawi na si Michelle May De Guia, 8, ng Purok 6, Brgy.San Jose habang naaresto naman ang drayber na si Reynaldo Sutang, 30, ng Brgy. Mayamot, Antipolo City, Rizal. Base sa ulat na nakarating kay P/Supt. Albert Ocon, naglalaro ang biktima sa harapan ng kanilang bahay nang mahagip ng L300 van (THP 366) ni Sutang matapos itong mag-overtake sa traysikel. Tinangkang tumakas ni Sutang subalit hinabol siya ng ilang residente.

Show comments