P5.4M cocaine nasamsam

ZAMBALES, Philippines — Tinata­yang aabot sa P5.4 milyong halaga ng cocaine ang na­sam­sam matapos na mag­sa­­gawa ng follow-up operation ang pulisya sa bisinidad ng Barangay Pundaguit sa bayan ng San Antonio, Zam­bales noong Lunes.

Ayon kay P/Supt. Baltazar Mamaril, spokesman ng Central Luzon PNP, ang 1.1 kilong cocaine na nakalagay sa plastic container ay nasagip ng mga mangingisda sa kara­ga­tan ng Mindoro-Manila Bay-Bataan-Zambales. Nabatid na ibinaon ng mga mangingisda ang 1.1 kilong cocaine sa pa­anan ng bundok sa nabanggit na barangay, katabi ng pu­nong kahoy na may plastic bottle sa ibabaw.

Agad naman ipinag-utos ni P/Chief Supt. Arturo Cac­dac, direktor ng pulisya sa Central Luzon ang operasyon kung saan nahukay sa bisi­nidad ng beach ang malaking plastic bag na may dalawang plastic pouch na naglalaman ng puting pulbos.

Nakumpirma namang co­ caine hydrochloride ang dro­ga matapos ang eksa­minas­yon ng Central Luzon Crime Laboratory sa Camp Olivas sa San Fer­nando City, Pam­panga. Randy Datu at Dino Balabo

Show comments