Mister inutas ng bayaw

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines Pinaniniwalaang problema sa pera at pamilya ang isa sa motibo kaya sinaksak at napatay ang isang mister ng kanyang bayaw kamakalawa ng gabi sa Brgy. Talisay, Sorsogon City. Idi­neklarang patay sa Sorsogon Provincial Hospital si Marlon Orpela, 30, habang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Erickson de Vera ng Brgy. Pangpang. Lumilitaw na nag­pa­pahinga ang biktima sa labas ng kanilang bahay nang dumating ang suspek na nag-aalboroto. Kaagad na kinom­pronta ang biktima kung saan nauwi sa mainitang pagtatalo na nauwi sa pamamaslang.

Show comments