Mister dinedo sa libing ng ina

PANGASINAN , Philippines  — Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang magsasaka na sinasabing ihahatid sana sa huling han­tungan ang kanyang yumaong ina nang ratratin ng dalawang ‘di-pa kilalang lalaki noong Linggo ng hapon sa Barangay Poblacion sa bayan ng Laoac, Pangasinan.

Dalawang bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Robert Austria, 37, ng Barangay Turko. Binang­git sa ulat na ang biktima kasama ang mga kaibigan at kamag-anak ay naglalakad patungong se­menteryo para ihatid ang mga namatay na ina nang pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo.

Patuloy naman ang imbes­tigasyon ng pulisya.

Show comments