Quezon governor, 4 pa utas sa chopper crash

QUEZON , Philippines  — Masaklap na kamatayan ang sinapit ng 5-katao kabilang na si Quezon Governor Rafael “Raffy” Nantes makaraang bumagsak ang chopper sa dalawang bahay sa bisini­dad ng subdivision sa Ba­rangay Ilayang Iyam sa Lu­cena City kahapon ng ha­pon.

Ayon kay P/Senior Supt. Erickson Velasquez, Que­zon police director, bukod kay Governor Nantes, na­matay din ang dalawang body­guard na sina PO3 Randy Roperez at Army Master Sergeant Alfred Do­minguez at ang piloto na si Captain Nestor Sanchez.

Si Nantes na National Treasurer ng Liberal Party at gubernatorial bet ay natalo kay Lakas-Kampi CMD gubernatorial bet Jay­jay Suarez, anak ni Rep. Danny Suarez.

Samantala, nadamay din sa nasawi si Rowena Na­vales, 14; habang su­gatan naman sina Mary Joy Nava­les, 16, at Noel Na­vales, 15, ma­tapos na bu­magsak sa kanilang bahay ang chopper R44 na may body number RPC 2550.

Nabatid na patungo sa­na si Nantes sa Maynila pa­ra dumalo ng pagpupu­long sakay ng 4-seater helicopter nang mag-crash sa may Jael Subdivision bandang alas-3:10 ng hapon.

Sa panayam kay Fran­cis Sevilla, chief of staff ni Governor Nantes, nag­paalam pa raw si Nantes sa mga ka­ wani after the Monday mor­ning flag cere­mony at naki­pag-meeting pa sa mga department head bago na­ganap ang tra­hedya.

Sumakay si Governor Nantes sa chopper na na­kahimpil sa open quadrangle ng Quezon National High School, ilang metro lang ang layo sa kapitolyo ng Quezon. Dagdag ulat ni Edd Gumban

Show comments