^

Probinsiya

P1.5 M semento hinaydyak

- Ni Boy Cruz -

BULACAN — Aabot sa P1.5 milyong halaga ng semento na lulan ang trailer truck ang hinaydyak ng mga ‘di-pa kila­lang lalaki kahapon ng madaling-araw sa bisinidad ng Barangay Bitungol sa bayan ng Norzagaray, Bulacan.

Sa police report, lumilitaw na nakiusap ang ilang ‘di-pa kilalang lalaki na makisakay sa truck (RAW972) na minamaneho ni Joel Petchalin kasama ang dalawa nitong anak na sina Jomari at Jordan.

Pinaunlakan naman ni Petchalin ang ilang lalaki na makisakay sa likuran ng kanilang trailer truck na naglululan ng 150 sako ng semento patungo sa Angeles City, Pampanga. 

Subalit hindi pa nakalalayo mula sa Holcim Cement Corp sa nabanggit na barangay ay nagdeklara ng haydyak ang ilang kalalakihan na nakisakay sa truck.

Hindi na nakapalag si Petchalin dahil tinutukan sila ng baril bago tinangay ang kargamento.

vuukle comment

AABOT

ANGELES CITY

BARANGAY BITUNGOL

BULACAN

HOLCIM CEMENT CORP

JOEL PETCHALIN

JOMARI

NORZAGARAY

PAMPANGA

PETCHALIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with