Ama pinakulong ng 2 anak

BULACAN, Philippines — Isang 44-anyos na ama ang kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal makaraang ipakulong ng kanyang dalawang anak na menor-de-edad dahil sa pagmamaltrato kahapon sa loob ng kanilang bahay sa Barangay San Martin sa San Jose del Monte City, Bulacan kahapon.

Pormal naman kakasuhan ang suspek na si Ro­lando Koh 44, ng Purok 10, Brgy. San Martin 4 sa nabanggit na lungsod.

Base sa police report, ang mag-utol ay gulpe-sarado ang inabot sa kanilang ama na sinasabing malimit na lango sa alak kapag umuuwi.

Bukod sa pagmamalupit ay pinagbabantaang papatayin ang mag-utol kapag hindi nasunod ang ipang-uutos ng suspek.

Dito na humingi ng tulong ang mag-utol sa kanilang kapitbahay at ipinadakip sa pulisya ang kanilang ama.

Show comments