^

Probinsiya

Motor, sumalpok sa truck: Magkaibigan dedo

- Ni Cristina Timbang -

CAVITE , Philippines —Patay ang dala­wang magkaibigan nang sal­pukin ng kanilang motorsiklo ang isang mixer truck matapos na mag-overtake sa kahabaan ng Aguinaldo Highway, Brgy Sampaloc 2, Dasmariñas City, kamakalawa ng gabi.

 Kinilala ni P/Supt. Marcos Estrada Badilla, hepe ng pu­lisya ang mga biktima na sina Aries Alcantara, 28 residente ng Blk 4, Lot 94, Sta. Ana Subdivision, Brgy. Mala­gasang, Imus, Cavite at Ryan Regidor, 23 ng Blk 2, Lot 2, Narra St Green City, Subdivision ng nasabi ding lungsod.

Si Alcantara ay idinekla­rang dead-on-the-spot ha­bang si Regidor ay na­matay ha­bang ginagamot sa Asia Me­dic Hospital sa Das­ma­riñas City.

Batay sa imbestigasyon ni PO1 Ronelo Abas may hawak ng kaso, ganap na alas-9:00 ng gabi nang maganap ang insidente. Sakay ang magka­ibi­gan ng motorsiklo na may plate number 3754 Honda XRM at minamaneho ni Al­cantara nang bigla itong mag- overtake at sumalpok sa mixer truck na may plakang ZPL-837 na minamaneho naman ni Diosdado Calvo, 35 ng Brgy Kayquit Indang, Cavite.

Lumilitaw din sa imbes­tigasyon na mabilis ang pag­papatakbo ni Alcantara kung kaya’t hindi na nito nagawa pang umiwas sa kasalubong na truck. Kasalukuyan na­mang nakakulong ang driver ng na­sabing truck habang iniha­handa ang kasong Reckless Imprudence resulting to dou­ble homicide and damage to property.

vuukle comment

AGUINALDO HIGHWAY

ANA SUBDIVISION

ARIES ALCANTARA

ASIA ME

BRGY KAYQUIT INDANG

BRGY SAMPALOC

CAVITE

DIOSDADO CALVO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with