^

Probinsiya

Supporters ng talunang mayoral bet nanunog

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Sinunog ng mga arma­dong kalalakihan na sinasa­bing mga supporter ng talu­nang mayoralty bet ang apat na eskuwelahan sa naganap na magkakahiwalay na insi­dente ng karahasan magka­hiwalay sa Barangay sa ba­yan ng Akbar, Basilan.

Kabilang sa mga sinunog na eskuwelahan ay ang Kad­dayan Elementary School sa Barangay Kadayan; Mangalut Elementary School sa Ba­rangay Mangalut; Pagengan Primary School sa Barangay Pangengan at Upper Sinang­kapan Primary School na pawang nasa bayan ng Akbar.

Ayon kay P/Senior Supt. Antonio Mendoza, bigla na lamang lumusob ang mga armadong lalaki at magkaka­hiwalay na sinunog ang mga eskuwelahan.

Naganap ang unang pa­nu­nunog noong gabi ng Mar­tes habang ang tatlo pa ay sinunog naman kamakalawa ng madaling-araw matapos na maiproklama ng Comelec ang nagwaging alkalde sa nasabing bayan sa katatapos na halalan. Gayon pa man, tumanggi naman si Mendoza na tukuyin ang pangalan ng nasabing talunang mayoralty candidate.

AKBAR

ANTONIO MENDOZA

BARANGAY KADAYAN

BARANGAY PANGENGAN

ELEMENTARY SCHOOL

MANGALUT ELEMENTARY SCHOOL

PAGENGAN PRIMARY SCHOOL

PRIMARY SCHOOL

SENIOR SUPT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with