^

Probinsiya

Boto kay Maliksi napunta sa kalaban

-

IMUS, Cavite, Philippines — Ma­riing kinuwestiyon ni incumbent Imus Mayor Man­ny Maliksi ang local na Commission on Elections (Comelec) kaug­nay sa discrepancy ng official sample ballot na ipina­migay sa mga residente na hindi umuugma sa actual ballot na ginamit noong araw ng halalan na nag­dulot ng kalituhan sa mga botante.

Lumilitaw na ang panga­lan ni Maliksi sa mga official sample ballot na ipina­mudmod ng Comelec bago mag-eleksyon ay nasa first line ng third column.

Subalit sa actual ballot noong election day, ang pangalan ni Maliksi ay inilipat sa second line ng second column, kung saan ang kanyang karibal sa mayoralty race na si Homer Saquilayan, na naiprokla­mang nanalo ay nailagay kung saan ang pangalan ng una sa official sample ballot.

“It is possible that some of the voters like the senior citizens may have overlooked the name written in the first line of the third column and just simply shaded the circle in reference to the official sample ballot where my name was in that spot,” pahayag ni Maliksi. 

“It can also be that some of the voters had second thoughts of shading the circle beside my name in the actual ballot where it is printed in the second line of the second column for fear that it might not be read by the precinct count optical scan (PCOS) machine as a vote for Maliksi because in the official sample ballot from Co­melec, my name was not in that spot.” Dagdag pa ni Maliksi

Naniniwala naman si Ma­liksi na naging pabaya ang Comelec at ‘di-kapani-pa­ni­wala na matatalo siya sa ma­yoralty race kung saan ang kanyang walong party­mates, mula vice mayor hanggang konsehal, ay nanalo. 

Si Maliksi ay inindorso ng Iglesia ni Cristo at maging sa mga independent survey ay nangu­nguna noong campaign period.    

Inihahanda na ni Maliksi ang mga legal na hak­bangin para mare­medyu­han at maituwid ang na­sabing isyu.

BALLOT

CAVITE

COMELEC

CRISTO

HOMER SAQUILAYAN

IMUS MAYOR MAN

MALIKSI

SHY

SI MALIKSI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with