Pamangkin ng mayoral bet inutas
BATANGAS, Philippines – Maagang sinalubong ni kamatayan ang isang 19-anyos na pamangkin ng mayoralty candidate makaraang ratratin ng mga ’di-pa kilalang lalaki ang bahay ng kanyang tiyahin sa Sitio Ba gong Pook, Barangay Quiling sa bayan ng Talisay, Batangas noong Lunes ng madaling-araw.
Nagtamo ng tama ng ligaw na bala sa beywang at tumagos sa dibdib ni Leonardo Dahil kung saan idineklarang patay sa Saint Andrew Hospital.
Ang 3rd year high school na pamangkin ni mayoralty candidate Dr. Zenaida Mendoza ng Liberal Party ay natutulog sa beranda nang pagbababarilin ang bahay ng kanyang tiyahin.
Ayon sa abogado ni Mendoza na nasa kainitan ang bilangan ng boto sa katatapos na eleksyon nang tangkain ng kalabang mayoralty candidate Luis Malabanan na ipatigil ang canvassing noong Lunes ng gabi dahil sa mga irregularidad.
Nang mabigo ito sa pagpapatigil, nasundan na ito ng pamamaril sa bahay ni Dr. Mendoza.
Sinikap namang kunan ng pahayag si Malabanan pero tumanggi itong mainterview ng mga mamahayag.
- Latest
- Trending