^

Probinsiya

Red plates gamit sa vote buying sa Antipolo

- Danilo Garcia -

ANTIPOLO CITY , Philippines — Kinuwestiyon ngayon ni Na­tionalist People’s Coalition (NPC) mayoralty bet at 2nd District Rep. Angelito Gatlabayan ang paggamit ng red plate at government marked vehicles sa araw ng halalan kahapon ng kanyang katunggali para sa pamimigay ng siopao, groceries, at maging mga pera para makuha ang mga boto ng mga ito.

Kabilang sa mga naaktuhan at nakunan ng video at litrato ng mga tagasuporta ni Gatlabayan ang isang Toyota Hi-Ace na may red plate na SFX-673 habang namimigay ng mga naturang pagkain at salapi sa Sta. Ana Ville, Barangay San Luis ng naturang lungsod.

Namataan rin ang isang ambulansya ng Barangay Dalig na may plakang ZKH-324 na umano’y namu­mud­mod naman ng pera sa mga botante sa naturang barangay. Ayon kay Gatlabayan, desperado na ang kanyang mga kalaban sa politika kung kaya’t pilit nilang inaagaw ang boto ng mga taong pumapanig sa kanila. Ang paggamit sa red plates ay labag batay sa isinasaad ng Administrative Order No. 239 na nagbabawal sa paggamit ng mga sasakyan na pag-aari ng pamahalaan sa personal na gamit lalo na sa iligal na gawain tulad ng “vote buying”.

Samantala, bukod sa paggamit ng red plates ay naging talamak ang bilihan ng boto na nagkakahalaga ng P200 pataas sa maraming barangay ng Antipolo partikular ang sa San Jose, Dalig, San Luis, Sta. Cruz, San Isidro, Mambugan at iba pabor sa kalabang kandidato ni Gatlabayan, ayon sa kampo nito.

Muling hiniling ni Gatlabayan na pakinggan ng Commission on Elections (Comelec) ang kanyang hina­ing hinggil sa pandaraya ng kanyang mga kalaban sa pulitika dahil ang kawawa aniya rito ay ang mga nasa­sakupang walang kalaban-laban.

ADMINISTRATIVE ORDER NO

ANA VILLE

ANGELITO GATLABAYAN

BARANGAY DALIG

BARANGAY SAN LUIS

GATLABAYAN

SAN ISIDRO

SAN JOSE

SAN LUIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with