BULACAN – Kalaboso ang binagsakan ng apat-katao makaraang arestuhin ng pulisya dahil sa pamimili ng boto sa Barangay Bagbaguin, Malolos City, Bulacan kamakalawa ng gabi.
Pormal na kakasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Kagawad Gregorio Altoveroz ng Barangay Bagbaguin; Jimmy Marquez, Arlino Macapinig at si Arnel Ramirez.
Nabatid na naaktuhan ng pulisya ang mahabang pila ng mga tao na tumatanggap ng pera kapalit ng kanilang boto mula sa mga suspek. Nakumpiska ng mga tauhan ni P/Inspector Leopoldo Estorque ang P7,300 cash na nakasilid sa bag.