Comelec: Sanchez aprub sa substitution
BATANGAS, Philippines — Kinatigan ng Commision on Elections ang substitution ni Sto. Tomas, Batangas Mayor Edna Sanchez, biyuda ni ex-Batangas Governor Armando Sanchez, para tumakbo bilang gobernador sa ilalim ng Nacionalista Party ngayong araw ng eleksyon.
Pinayagan din ng Comelec ang pagpalit ni Renato Federico, bayaw ni Governor Sanchez, bilang kandidato ng partido sa pagka-mayor ng Sto. Tomas, Batangas.
Sa resolusyon ng Comelec en banc na nilagdaan ng pitong commissioner noong Biyernes, the commission gave “due course” to the substitute certificate of candidacy of Mayor Sanchez for “the vacancy that arose by reason of the death of Governor Sanchez.”
Inatasan kaagad si Comelec regional director Juanito Icaro at Law Department head para ipatupad ang nasabing resolusyon.
“Alam kong nakangiti sya sa akin ngayon habang nakatingin mula sa langit, ipagpapatuloy namin ang sinimulang nyang laban. Magkakaroon ng pagpipilian ang mga Batangueño para sa magandang pamamalakad ng Batangas,” pahayag ni Sanchez.
Pumanaw si Governor Sanchez noong Abril 27 dahil sa massive brain stroke habang nangangampanya sa Lipa City, Batangas.
- Latest
- Trending