^

Probinsiya

Mga botante ni Bro. Eddie sa Maguindanao nawala sa voter's list

- Ni Ellen Fernando -

CALAUAN, Laguna , Philippines  – Naalarma ang Bangon Pili­pinas sa mga ulat na aabot sa 1,000 tagasuporta ni Bro. Eddie sa Maguindanao ang nawala sa listahan ng mga botante na nakatakdang bu­moto sa eleksyon bukas.

Sa ulat na tinanggap ni Bangon Pilipinas campaign manager Atty. Lyndon Caña, karamihan sa mga nawa­wala ang pangalan ay mga poll watcher ng Bangon Pilipinas partikular sa Maguindanao.

“Alarm! Alarm! All of the names of 1,000 plus poll wathcers of Bangon Pilipinas in Maguindanao dis­appeared from the official voter’s list of Comelec,” ayon kay Caña.

Umapela na ang mga nawala sa listahan sa lokal na sangay ng Comelec dahil sa kuwestyonableng pagka­wala ng kanilang pangalan.

Ang mensahe ni Caña ay natanggap ni Bangon Pili­pinas presidential standard bearer Bro Eddie Villanueva   habang nasa kasagsagan ng pagpapasinaya at pagbu­bukas nang kauna-unahang Food Farm Project ng Ba­ngon Pilipinas at Movement for National Transformation sa Brgy. Dayap, Calauan, Laguna.

BANGON PILI

BANGON PILIPINAS

BRGY

BRO EDDIE VILLANUEVA

COMELEC

FOOD FARM PROJECT

LYNDON CA

MAGUINDANAO

NATIONAL TRANSFORMATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with