2 apo hinalay ni lolo

GUIGUINTO, Bulacan, Philippines — Isang 70-anyos na lolo na si Fernando Mendoza Sr. ang dinakip kamakalawa ng pulisya sa labas ng kanyang bahay sa Barangay Tiaong ng bayang ito dahil sa umano’y panghahalay niya sa kanyang dalawang menor-de-edad na apo. Inaresto si Mendoza sa bisa ng arrest warrant na ipinalabas ni Malolos City Regional Trial Court Judge Theresa Mendoza-Arcega na lumilitis sa kaso niyang rape at act of lasciviousness. Hinalay umano ng sus­pek ang mga biktima noong Nobyembre 2009 habang wala sa bahay ang kani-kanilang mga magulang. 

Show comments