Mag-ama pinasabugan, niratrat
MANILA, Philippines - Isang mag-ama ang namatay makaraang pasabugan ng granada at paulanan ng bala ang tahanan ng mga ito sa Barangay Mabunga, Baungon, Bukidnon kamakalawa.
Kapwa dead-on-the-spot sa insidente ang mga biktimang sina Rogelio Saycon Sr. at anak nitong si Rogelio Jr. matapos na matadtad ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.
Bukod dito ay nagtamo rin ng malubhang tama ng shrapnel mula sa sumabog na granada ang mag-ama.
Ayon sa pulisya, bigla na lamang sumulpot sa lugar ang mga suspek at hinagisan ng granada ang bahay ng mga biktima.
Hindi pa nakuntento ay pinaulanan rin ito ng bala na dagliang ikinasawi ng mag-ama. Isa sa mga suspect ay positibong itinuro ng mga testigo na si Dencio Lundahan, kilalang notoryus na miyembro ng isang grupong kriminal sa kanilang bayan.
Lumilitaw naman sa pangunang imbestigasyon na alitan sa lupa ang motibo ng insidente.
- Latest
- Trending