Mag-asawa nilikida
MANILA, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa mag-asawa habang nasa kritikal namang kondisyon ang kanilang anak makaraang ratratin ng mga rebeldeng New People’s Army sa bahagi ng Sitio Bingcongan, Barangay Bigaan sa bayan ng Hinatuan, Surigao del Sur kamakalawa ng hapon. Kinilala ang mag-asawa na sina Persinifles Mayordomo, miyembro ng Cafgu sa ilalim ng Army’s 23rd Infantry Battalion at Anita Mayordomo. Ginagamot naman sa Bislig City Hospital si Gemma habang nakaligtas ang kapatid nitong si Reynante. Base sa police report, magkakaangkas sa motorsiklo ang mga biktima nang ratratin.
- Latest
- Trending
















