3 supporter ng kandidato inutas

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang tatlong supporter ng mayoralty bet sa panibagong karahasang na­ganap sa Barangay Bisag sa bayan ng Palanan, Isabela kamakalawa ng gabi. Kabilang sa napaslang ay sina Murad Batua Mudar, Froilan Usbal, at si Abdani Basher, pa­wang supporters ni Palanan mayoralty candidate Angelo Bernardo. Samantala, sugatan naman si Jerry de la Pena. Nagpapatrolya ang mga biktima kasama ang ilang opisyal ng barangay nang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan.

Show comments