Wanted sa Cebu, tiklo sa Bulacan

Bulacan , Philippines  — Nagwakas ang mahabang panahong pag­tatago sa batas ng isang wanted sa Cebu City sa kasong mur­der City makaraang maaresto ng mga awtoridad sa Barangay Tibagan sa Bustos, Bulacan kahapon ng umaga.

Hindi na nakapalag pa sa mga tauhan ni P/Chief Insp. Julius Caesar Mana ng CIDG-Bulacan si Andito “Andy” Cadusale, 44, tubong Brgy. Casuntingan, Mandaue City, Cebu.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Mercedes Gozo-Dadole ng Mandaue City Regional Trial Court Branch 28. Si Cadusale na may patong sa ulo na P90,000 ay pangunahing suspek sa pagpatay sa kanyang misis nais Haydee Cadusale at Yolito Canunayon sa Brgy, Casuntingan, Mandaue City, Cebu noong Hulyo 8, 1998.

Show comments