CAMARINES NORTE , Philippines — Hindi maitago ang labis na kasiyahan ni reelectionist Governor Edgardo “Egay” Tallado matapos iindorso ng mga grupo ng Bayan Muna, Anak Pawis, Gabriela, Kabataan at grupo ng Act Teachers sa ginanap na pagdiriwang ng Araw ng Paggawa noong Sabado ng umaga sa harap ng Daet Elevated Plaza, Camarines Norte.
Una nang pinuri ng Simbahang Katolika si Gov. Tallado sa pangunguna ni Bishop Gilbert Garcera sa ginanap na candidates forum na isang pulitikong may takot sa Diyos at malinis ang hangaring makapaglingkod sa taumbayan sa Camarines Norte.
Sa Araw ng Paggawa, ipinahayag ni Tallado na isa sa kanyang programa ay ang mga maralitang residente partikular na ang mga manggagawa na sumasahod lamang sa mababang halaga.
“Galing din ako sa mahirap, kayat alam ko ang pinagdaraanan ninyo,” pahayag ni Tallado.
Si Tallado ay nakaupo lamang sa kapitolyo noong Pebrero 28, 2010 matapos ang halos tatlong buwan na lamang ang natitira sa kanya bilang Ama ng Camarines Norte,
Ipinagpatuloy pa rin ni Tallado ang naantalang proyekto ni ex-Governor Jesus Typoco Jr. sa pamamagitan ng paglalaan ng libreng gamot sa Camarines Norte Provincial Hospital.
Si Tallado na kumakandidato sa gubernatorial race sa Camarines Norte sa ilalim ng Liberal Party ay una nang naging vice governor 2004 hanggang 2007.