Chato, angat sa candidate forum

CAMARINES NORTE, Philippines — Libu-libong residente ang su­muporta kay incumbent Congresswoman Liwayway Vin­zons-Chato matapos mapa­nood ang candidates forum na inilunsad ng Simbahang Katolika katuwang ang Parish Pastoral Council for Res­ponsible Voting (PPRCV) ka­makalawa ng gabi sa ha­rapan ng Daet Elevated Plaza, Vinzons Ave­nue sa bayan ng Daet, Camarines Norte.

Dinaluhan ng mga kandi­dato sa gubernatorial race, vice gubernatorial at congressional race kung saan ang layunin ay ipaalam sa taum­bayan ang karapat-dapat na manung­kulan sa Camarines Norte sa pamamagitan ng ka­nilang paglalahad ng pla­taporma de-gobyerno.

Dumalo rin sa candidates forum sina Bishop Gilbert Gar­cera at Monsignor Cesar Echa­no Jr. Kura paroko ng St. John the Baptist Church.

Kabilang sa mga progra­ma at proyekto ni Chato na naipa­tupad sa loob ng tat­long taon ay ang mga yunit ng com­puter na naibigay sa 282 baran­gays, na­ipa­gawa ang kal­sada sa 12 ba­yan, lib­reng edu­­kas­yon ng mag-a­aral mu­la sa ma­ra­­litang pamilya, libreng ga­mot, naibsan ang pag­ba­baha sa ilang ba­yan sa pama­magitan ng drainage system at ang pag­­hahati ng da­la­wang dis­trito sa Ca­ma­rines Norte na hindi na­isa­ka­tuparan ng mga na­katalikod na kongresista.

Dalawa sa congressional race ang magiging katung­gali ng pambato ng Liberal Party na si incumbent Congresswoman Atty. Liwayway Vin­zons-Chato.

Hinamon naman ni Chato ang kanyang katunggali na ilahad ang kanilang plata­porma de goberyno para sa taumbayan at hindi black propaganda.

Show comments