2 pulis, 2 sekyu dinisarmahan ng NPA rebs

MANILA, Philippines - Dinisarmahan ng mga rebeldeng New People’s Army ang dalawang pulis at dala­wang security guard makara­ang salakayin ang minahan sa Sipalay City, Negros Occi­dental kama­kalawa ng gabi.

Batay sa report ni P/Supt. Arnel Arpon na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-8 ng gabi nang salakayin ng mga rebelde ang G-Holdings Inc. sa Brgy. San Jose.

Walang nagawa ang secu­rity guard ng minahan ma­tapos na disarmahan at iga­pos ng mga rebelde habang hinos­tage kung saan hinos­tage ang manager na si Roland De­guwas.

Unang rumesponde ang dalawang pulis na sina PO1 Manuel Camayado at PO2 Jose Rey Bringques kasama ang security guard na si Boy Gabayeron ngunit maging sila ay dinis-armahan din mga rebelde.

Kabilang sa natangay ng mga rebelde ay isang M16 Armalite rifle, isang M14 rifle, 10 shotgun, dalawang cal. 9mm pistol at isang .38 cal. revolver.

Show comments