Nagbigti dahil sa diabetes

CAVITE, Philippines — Pinaniniwalaang hindi nakayanan ang ma­­tinding kirot ng diabetes sa katawan kaya nag­desisyon ang isang 40-anyos na misis na magbigti sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Mulawin sa ba­yan ng Tanza, Cavite kamakalawa.

Bandang alas-6 ng umaga nang natagpuan ang katawan ni Mylene Blan­caflor na na­kabitin sa kisame ng kanilang bahay.

Lumilitaw na ang biktima ay dalawang ulit na nagtang­kang nag-suicide subalit napipigilan lamang ng kanyang mister na si Danilo.

Show comments