Nagbigti dahil sa diabetes
May 1, 2010 | 12:00am
CAVITE, Philippines — Pinaniniwalaang hindi nakayanan ang matinding kirot ng diabetes sa katawan kaya nagdesisyon ang isang 40-anyos na misis na magbigti sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Mulawin sa bayan ng Tanza, Cavite kamakalawa.
Bandang alas-6 ng umaga nang natagpuan ang katawan ni Mylene Blancaflor na nakabitin sa kisame ng kanilang bahay.
Lumilitaw na ang biktima ay dalawang ulit na nagtangkang nag-suicide subalit napipigilan lamang ng kanyang mister na si Danilo.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest