Gov. Umali inendorso si Bro. Eddie
MANILA, Philippines - Pinangunahan ni Nueva Ecija Governor Aurelio Umali ang libu-libong residente ang pagsuporta at pag-endorso kay Bangon Pilipinas standard bearer Bro. Eddie Villanueva bilang pambato sa pagka-Pangulo sa Mayo 10 elections.
Nilagdaan sa harap ng libu-libong supporter sa pangunguna ng Nueva Ecja City Pastoral Movement at mga local na opisyal ang manifesto na sumusuporta sa kandidatura ni Villanueva sa ginanap na multi-sectoral forum sa Knights of Columbus sa San Jose, Nueva Ecija noong Martes.
Naniniwala ang Pastoral Movement na tanging si Villanueva lamang ang may kakayahan na pangunahan ang bansa upang isulong ang kapayapaan, kaunlaran at pagkakaisa ng mamamayang Pilipino kaya 100 porsyento anila ang ibibigay na suporta sa buong ticket ng Bangon Pilipinas.
Sinundan ng forum ang pagpupulong sa Science City of Muñoz na dinaluhan ng may 5,000 magsasaka at mga lokal na opisyal ng pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Efren Alvarez.
Ipinangako ni Villanueva sa mga magsasaka na mauuna silang mabibiyayaan sa economic revolution program na nakalatag sa loob ng unang 100 days sa serbisyo kapag nahalal na Pangulo.
Kinagabihan ay dumagsa naman ng 10,000-katao sa Freedom Park sa Cabanatuan City sa ginanap na miting de avance ng Bangon Pilipinas.
- Latest
- Trending