LTO administrator itinumba

MANILA, Philippines - Napaslang ang isang opisyal ng Land Transportation Office sa Region 12 matapos na pagbabarilin ng ‘di-pa nakilalang lalaki sa parking lot ng nabanggit na opisina sa Koronadal City, South Cotabato ka­ma­­kalawa.

Napuruhan sa kaliwang bahagi ng leeg si LTO chief Administrator Perfecto Ra­agas Jr., 62.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Nilo Wong na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na papasok na sa opisina mula sa tahanan nito sa bayan ng Pikit, Cotabato nang lapitan at pagba­ba­rilin.

Napag-alamang bago maganap ang krimen, da­lawang ’di-pa kilalang lalaki ang namataang paikut-ikot sa parking lot ng LTO na animo’y may hinihintay.

Tinangka pang isugod sa ospital ang biktima su­balit hindi na naisalba ang buhay.

Pinaniniwalaang hired killer na nasa likod ng kri­men.

Show comments