4 Sayyaf bulagta
MANILA, Philippines - Apat na armadong kalalakihan na sinasabing miyembro ng Abu Sayyaf Group ang napaslang habang apat namang tauhan ng Army’s Scout Ranger ang nasugatan sa panibagong bakbakan sa bulubunduking bahagi ng Barangay Pamatsaken, sa bayan ng Sumisip, Basilan kamakalawa.
Sa phone interview, sinabi ni Marine Commander Lt. Gen. Ben Mohammad Dolorfino, ginapang ng Task Group Panther ng Army’s 4th Scout Ranger Company sa ilalim ni Lt. Lacson ang posisyon ng mga bandido sa katimugang bahagi ng Abong-Abong.
Gayon pa man, sa hindi inaasahang pagkakataon ay sumabog ang patibong ng mga bandido na ikinasugat ng apat na sundalo kaya sumiklab ang bakbakan.
Nagpapatuloy naman ang pagtugis ng tropa ang military laban sa mga bandidong nagsitakas.
- Latest
- Trending