Governor Deloso, pinarangalan sa kaunlaran ng Zambales
ZAMBALES, Philippines – Pinarangalan ng League of Provinces of the Philippines si Zambales Governor Atty. Amor Deloso bilang most outstanding governor in the Philippines at pagkilala sa natatanging kontribusyon nito sa kaunlaran ng nabanggit na lalawigan.
Tinanggap ni Deloso ang plake ng pagkilala mula kina Gov. Ben Evardone, LPP Secretary General; Gov. Luis Raymund Villafuerte, Jr., LPP National Chairman at Gov. Loreto Leo Ocampos, LPP President sa ginanap na 8th General Assembly ng liga.
“This plaque was awarded to Gov. Deloso for his visionary, trailblazing and dynamic leadership and commitment to a strong national, provincial government and private sector partnership,” wika ni LPP national chairman Loreto Leo Ocampos.
Sa kanyang pagtanggap, sinabi naman ni Deloso na marami pang programang pangkaunlaran para sa kalusugan, edukasyon at pagpapalakas ng ekonomiya ang nakahanay na sa kanyang master plan para sa susunod na taon.
“Marami pang makikitang magagandang proyekto ang mga Zambaleño sa taong ito dahil patuloy na nagtitiwala sa atin ang mga dahuyan at lokal na negosyante na nakakakita ng oportunidad sa ating bayan,” dagdag pa ni Deloso.
- Latest
- Trending