2 sundalo utas sa NPA

KIDAPAWAN CITY , Philippines   – Dalawang sundalo ng 39th Infantry Battalion ang napatay matapos makasagupa ang mga rebeldeng New Peoples’ Army sa liblib na bahagi ng Barangay Patulangon sa bayan ng Sta Cruz, Davao del Sur kahapon.

Pansamantalang itinago ang pagka­kakilanlan ng dalawa habang hindi pa naipaabot sa kani-kanilang pamilya ang naganap na insidente. Base sa ulat na nakarating sa Camp Crame, lulan ng military vehicle ang mga sundalo at ilang Cafgus nang ratratin ng mga rebeldeng mula sa grupo ng Magtanggol Roque Command.

Sa ipinalabas na statement ni Ka Simon Santiago, ang pananambang laban sa militar ay patunay na nananatili ang presensiya ng NPA sa bayan ng Sta Cruz, taliwas sa naging pahayag ng 10th IB na NPA-free zone ang nasabing bayan.

Show comments