^

Probinsiya

3 lider ng kandidato itinumba

- Antonieta Lopez -

BACOLOD CITY, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa dalawang campaign coordinator ng congressional bet   ng 3rd district ng Negros Occidental makaraang rat­ratin ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan sa bisinidad ng Barangay Canlandog, sa bayan ng Murcia, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga napaslang na sina Rogelio Garcia, 53; at Errol Lubrea, 41, political campaign coordinator ni Ted Lizares Jimenez.  

Samantala, nakaligtas naman sa tiyak na kamatayan ang isang miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit na si Dennis Mahusay, 38.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Sulito Babe, lumilitaw na papauwi na ang dalawa lulan ng motorsiklo nang tambangan ng mga ‘di-pa kilalang lalaki sa bisinidad ng Purok Paho sa nabanggit na barangay.

Kinondena naman ni Ji­me­nez ang naganap na pamamaslang laban sa kanyang dalawang lider kung saan pinakiusapan nito si P/Senior Supt. Manuel Felix, provincial police director na magsagawa nang masusing imbestigasyon.

Ayon sa media liaison officer ni Jimenez na si Bambi Yngson, ilang araw bago maganap ang pamamaslang, nakahikayat si Garcia ng mga residente mula sa mga Barangay Canlandog, Amayco, Caliban at sa Barangay Lopez Jaena, para dumalo sa political sorties ng nabanggit na congressional bet noong April 23.

Maging ang mga staff member ni Jimenez ay hinaharas at pinagbabantaan sa pamamagitan ng text messages mula sa mga di-pa kilalang grupo ng kalalakihan.

Si Jimenez ay kandidato sa Negros Occidental 3rd district kung saan mahigpit nitong kalaban sa congressional race sina businessman Albee Bantug-Benitez at si outgoing Mayor Esteban “Sonny” Coscolluela.

Sinisilip din ng pulisya ang anggulong alitan ng ilang angkan sa Brgy. Canlandog kung saan lima-katao ang nasawi sa nakalipas na taon.

vuukle comment

ALBEE BANTUG-BENITEZ

BAMBI YNGSON

BARANGAY CANLANDOG

BARANGAY LOPEZ JAENA

CIVILIAN ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNIT

DENNIS MAHUSAY

ERROL LUBREA

JIMENEZ

MANUEL FELIX

NEGROS OCCIDENTAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with