^

Probinsiya

Turista minolestiya ng bangkero

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nabahiran ng masamang imahe ang turismo sa Cebu kung saan isang 22-anyos na dalagang turista ang minolestiya ng isang bangkero ng beach resort sa naganap na insidente sa white beach ng Barangay Saavedra sa bayan ng Moalboal, Cebu kamakalawa.

Pormal na kinasuhan ang suspek na si Gabriel Abenido Aquino ng Basidlot, Moalboal, Cebu.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na niyaya ng suspek ang biktimang itinago sa pangalang Ericka, Dutch national na ipapasyal sa white beach ng Brgy. Saavedra kung saan pinasakay nito sa kaniyang bangka.

Gayon pa man, pagsapit sa nasabing lugar ay pinaghihipuan ng suspek at tinangka pa nitong hubaran.

Nanlaban naman ang bikti­ma kaya sinakal ito habang hi­na­halikan sa labi, leeg at iba pang bahagi ng katawan kung saan nagtamo ng mga galos saka kissmark ang dayuhang dalaga.

Nakahulagpos naman ang biktimang umiiyak kung saan napakiusapan ang suspek na tumigil na sa kalokohan.

Natauhan naman ang suspek at inihatid ang dalaga sa tinutuluyang Panagsama Beach Resort sa Barangay Badlot sa bayan rin ng Moalboal kung saan ipinaabot ang reklamo sa kinauukulan.

vuukle comment

BARANGAY BADLOT

BARANGAY SAAVEDRA

BASIDLOT

BATAY

BRGY

CAMP CRAME

CEBU

GABRIEL ABENIDO AQUINO

MOALBOAL

PANAGSAMA BEACH RESORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with