8 nagkakabit ng campaign poster ginulpe
MANILA, Philippines - Walong tagasuporta ng reelectionist gubernatorial bet ang pinagtulungang gulpihin ng mga armadong kalalakihan na sinasabing kalabang kandidato ng una makaraang maaktuhang nagkakabit ng campaign poster sa kahabaan ng highway ng Barangay Carig Norte, Tuguegarao City, Cagayan kamakalawa ng hapon.
Sa police report na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na magkakasamang nagkakabit ng mga campaign poster ang walong suporter ni gubernatorial bet at reelectionist Governor Alvaro “Bong” Antonio nang lapitan ang mga armadong tauhan na nagpakilalang mga tauhan ng kalaban ni gubernatorial bet Manuel Mamba.
Tinutukan ng baril ang mga biktima at ipinabaklas ang ikinabit ng mga campaign poster saka pinahilera kung saan isa-isang ginulpe.
Bago tuluyang lumisan ang mga suspek na lulan ng abuhing Toyota Surf (CSF 431) ay nagbanta pa ang mga suspek na may mangyayaring masama kapag muling nagkakabit ng campaign poster sa lugar.
Pinayuhan ng pulisya ang mga biktima na sumailalim sa medical checkup para kasuhan ang mga suspek.
- Latest
- Trending