CAVITE , Philippines – Pinaniniwalaang paghihiganti ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 60-anyos na lola ng isang security guard kamakalawa ng gabi sa Barangay Luksuhin Ilaya sa bayan ng Alfonso, Cavite. Napuruhan sa mukha si Milagros Villajin Concepcion ng Hollyhock Street, La Praire Subd. habang malubha naman si Antonio de Chavez 54, marino ng Phase 1 Roxsaco Subd., Nasugbu, Batangas. Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Camaladine Sultan na tumakas tangay ang P15,000 at tatlong celpon ng mga biktima. Base sa police report, naghiganti si Sultan matapos masibak sa pagiging sekyu sa Cobra Security Agency dahil sa reklamo ng mga biktima kaugnay sa lihim nitong relasyon sa kasambahay ni Concepcion.