Chairman dinedo sa kasalan

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya  – Nabahiran ng dugo ang masayang kasalan matapos na pagbabarilin at mapaslang ang isang barangay chairman na kabilang sa mga bisita sa nabang­git na okasyon sa Barangay Bauan, Solana, Cagayan kama­kalawa ng gabi. Napuruhan sa ulo si Chairman Nathaniel Dayag ng Barangay Gen. Balao sa bayan ng Solana.

Ayon kay P/Chief Supt. Roberto Damian, Cagayan Valley regional director, lumilitaw na nagkakasiyahan sina Dayag at mga ka­samahan nitong bisita sa kasalan sa bakuran ng pamilya ng ikinasal nang biglang umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril.

Duguang bumulagta si Dayag kung saan naisugod pa ito sa St. Paul Hospital sa Tuguegarao City pero idineklarang patay.

Show comments