Bahay ng alkalde ni-raid ng NPA

MANILA, Philippines - Sinalakay ng mga re­beldeng New People’s Army ang tahanan ng isang alkalde na kandidato na pagka-kongresista kung saan ‘di-pa nakuntento ay si­nilaban pa ang service cam­paign vehicle nito sa Brgy. Dulangan 2 sa bayan ng Baco, Oriental Mindoro, ayon sa ulat ka­hapon.

Kinilala ang hinarass na kandidato na si Pola, Orien­tal Mindoro Mayor Alex Marasigan Aranas (AMA), congressional bet sa 1st district ng Oriental Mindoro.

Base sa naantalang ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, lumilitaw na sinalakay ng mga rebelde ang bahay ni Marasigan kung saan pinagwawasak ang sound speaker sa ibabaw ng service campaign vehicle.

Hindi pa nakuntento ay sinunog pa ng mga rebelde ang nasabing service campaign bago tumakas ta­ngay ang sound amplifier, DVD player at VCD na naglalamam ng jingle song ni Marasigan.

Lumilitaw pa sa pagsisi­yasat na tumangging mag­bayad ng permit-to-campaign (PTC) fees na aabot sa P.4 milyon na ipinapa­taw ng NPA sa mga kandi­datong kongresista na isa sa motibo ng insidente.

Show comments