^

Probinsiya

9-anyos nagbigti dahil sa laruan

-

CAVITE , Philippines  – Maagang nag­wakas ang kinabuka­san ng isang 9-anyos na batang lalaki matapos mag­bigti dahil hindi lamang nabilhan ng laruan ng kan­yang ina sa Dasmariñas City, Cavite, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni PO1 Romel­son Halot, desk officer ng Dasmariñas police station ang nag-suicide na si Adrian Bircal ng Block 1 Lot 64 Zone 1, Bautista Pro­perty, Barangay Sampaloc.

Ayon sa police report, nagulat na lang si Jonalyn Bircal nang matagpuan nito ang kanyang anak na na­ka­sabit sa taas ng kanyang double-deck bed habang nakapulupot ang sinturon sa kanyang leeg bandang alas-4 ng hapon.

Napag-alaman ng mga imbestigador ng pulisya na sinasabing sumama ang loob ng bata matapos hindi napagbigyan ng kanyang ina sa hinihiling nitong laruan.

Isinugod pa sa St. Paul Hospital ang biktima pero idi­ neklarang patay ni Dr. Ang.

Hindi naman masabi ng mga imbestigador kung anong klaseng laruan ang pilit na pinabibili ng bata na naging mitsa ng kanyang buhay.

ADRIAN BIRCAL

AYON

BARANGAY SAMPALOC

BAUTISTA PRO

CAVITE

DASMARI

DR. ANG

JONALYN BIRCAL

SHY

ST. PAUL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with