59-anyos magsasaka kinatay

NUEVA ECIJA , Philippines — Pinaniniwalaang may kinalaman sa lupaing pinag-aagawan kaya pinagtataga hanggang sa mapatay ang isang 59-anyos na magsasaka ng dalawang hindi kilalang lalaki sa igiban ng tubig sa Barangay Papaya, sa bayan ng San Antonio, Nueva Ecija kamakalawa ng umaga. Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Ricardo Marquez, police provincial director, nakilala ang napaslang na si Bonifacio Sabala ng Barangay Tikiw, San Antonio, Nueva Ecija.

Show comments