Pampasabog narekober

MANILA, Philippines - Narekober ng militar ang pampasabog na pinaniniwa­laang naiwan ng mga bandidong Abu Sayyaf sa operasyon sa Ba­rangay Upper Maligue, Isabela City, Basilan ka­makalawa. Ban­dang alas-4:30 ng hapon nang ma­rekober ng intelligence opera­tives ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 1 ka­sama ang mga bomb sniffing K 9 dog ang na­­sabing bomba. Agad namang nai-detonate ng Explosives and Ordnance team ng security forces ang naturang bomba bago pa man ito ma­kapinsala.Magugunita na matapos ang pag-atake ng mga bandido noong Abril 13 sa Isabela City na ikinasawi ng 14 katao habang 12 pa ang sugatan ay naglunsad ng opensiba ang AFP troop laban sa Basilan raiders.

Show comments