^

Probinsiya

'Scholarship Team' binuo

- Ni Alex Galang -

ZAMBALES, Philippines — Higit na mas maraming kabataang estud­yante mula sa mahihirap na pamilya ang makikinabang sa scholarship program ‘Scholarship Team nina Zambales 2nd district Rep. Antonio Diaz at ex-DPWH Sec. Hermogenes Ebdane Jr. na ngayon ay tumatakbo sa gubernatorial race sa nabanggit na lalawigan.

 “Binuo namin ang ‘Scholarship Team’ upang buhusan ng tulong ang mga estudyante mula sa Zambales at kapag si Jun (Ebdane) ang naging gobernador, masisiguro natin na makakapag-aral ang mas maraming mga bata,” pahayag ni Rep. Diaz.

Sinabi naman ng tagapangasiwa ng scholarship program na si Fr. Teodoro Camat, umaabot sa 30,000 estudyante sa kasalukuyang ang nabenepisyuhan sa naturang programa at kung susumahin ay aabot sa daang-libo na ang nakina­bang simula nang pasimulan ito ni Rep. Diaz noong 1993.

“Sa kabila nito ay nangangailangan pa ng karagdagang P10 milyon kada taon upang maitustos sa scholarship pro­gram kung saan kailangan ang suporta ni Ebdane,” dagdag pa ni Camat.

Nabatid na bawat iskolar sa mga pampublikong paaralan ay tumatanggap ng hanggang P1,000 kada taon para sa kanilang tuition fee habang aabot naman sa P4,000 sa mga nag-aaral sa mga pribadong eskuwelahan.

ANTONIO DIAZ

BINUO

CAMAT

DIAZ

EBDANE

HERMOGENES EBDANE JR.

HIGIT

SCHOLARSHIP TEAM

TEODORO CAMAT

ZAMBALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with