30 tiklo sa illegal fishing

BATANGAS, Philippines – Umaabot sa 30-mangingisda ang naaresto ng mga awtoridad dahil sa illegal fishing sa mga bayan ng Nasugbu at San Juan sa Batangas.

Kabilang sa mga na­aresto sa bayan ng Na­sugbu ay sina Pablo Ag­dan, boat captain; Allan Morales, Elmer Vilavesa, Mil­bert Villana, Marlon Vargas, Erwin Tolosa, Efren Llagas, Diosdado Luste, Cesar Dymos, Llandro Vicente, Extelito Pialogo, Avelino Ar­cangel, Vicente Arboro, Joel Sa­ludar, Romeo Castillo, Esrael, Diasis, Ricardo Ojeda, Edmond Restoso, Antonio Sy at si Roberto Oliva.

Samantala sa bayan ng San Juan, naaresto naman sina Nonilon Paitan, Rey­gie Pancho, Marlon Esco­bal, Joel Rovedillo, Antonio Puerta, Raymond Orbida, Alvin Pardilla, Reymond Casuno, Sidoro Apilado, at si Roque Quemada kung saan nakumpiskahan ng 50 kilong iba’t ibang uri ng isda.

Ayon kay P/Senior Supt. Alberto Supapo, Batangas police chief, pinangunahan ng pulisya, Bantay Dagat at ni Marlon Limboc ang sea­born patrol operation laban sa illegal fishing noong Linggo at Lunes.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang basnig, pinong lambat at 5 kilong iba’t ibang isda kabilang na ang bankang Paul and Nikko na pag-aari ni Tri­nidad Ocampo ng 41C Abueg St., Rosario, Ca­vite.

Show comments