Mag-asawa, anak minasaker
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang mag-asawa at anak sa loob ng kanilang tahanan kamakalawa ng gabi sa Brgy. Pinanaan sa bayan ng Aroroy, Masbate.
Nagkabutas-butas ang mga katawan nina Diony Albao, 38, magsasaka; Rosalie Albao, 34; at anak na si Jonalyn Albao, 13.
Base sa police report, lumilitaw na magkakasamang nanonood ng telebisyon ang mga biktima nang pasukin ng mga armadong kalalakihan bandang alas-8:45 ng gabi.
Matapos na halughugin ang bahay at makuha ang titulo ng lupa ng pamilya Albao ay magkakasabay na niratrat ng mga ‘di-pa kilalang lalaki.
Kaagad namang humingi ng tulong sa pulisya ang ilang kapitbahay ng pamilya Albao matapos na makarinig ng mga putok ng baril mula sa tahanan ng mga biktima.
- Latest
- Trending