Karnaper dedo sa shootout

BULACAN , Philippines - Nagwakas ang pagiging karnaper ng isa sa dalawang kalala­kihan makaraang makipag­barilan sa pulisya sa Ba­rangay Capihan, San Ra­fael, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni P/Supt. Ma­nuel Lukban, walang na­kuhang identification card sa napatay na karna­per kung saan nakatakas na­man ang kasamahan nito. Narekober naman ng pu­lisya ang dalawang mo­torsiklo, baril at mga bala. Base sa police report, lulan ng motorsiklo ang dala­wang lalaki na walang helmet nang maparaan sa Comelec checkpoint. Nang parahin ng pulisya para sitahin ay pinaharurot nito ang motorsiklo at kasabay nito ay nagpaputok pa ng baril kaya hinabol naman ng pulisya kung saan na­patay ang isa sa shootout.

Sa beripikasyon ng pu­lisya, ang kulay itim na mo­torsiklo (9171-CB) na si­nasabing kinarnap ay na­kapangalan kay Alicia Lo­pez ng Malolos City, Bu­lacan.

Show comments