Tunnel gumuho: Minero dedo

BUTUAN CITY, Philippines — Nagbuwis ng buhay ang isang minero na nagpipilit na maiahon ang kanyang pamilya sa hirap matapos makulong sa gumuhong tunnel noong Biyernes sa Barangay Cauyunan sa bayan ng Opol sa Misamis Oriental. Narekober ang bangkay ni Victor “Vic-Vic” Raus, 29, mula sa gumuhong minahan kung saan nailigtas naman ang kanyang kasamahang sugatan na si Tony Dunayao, 40. Ayon kay SPO3 Allan Payla, lumilitaw na inaayos ni Raus ang makina sa loob ng tunnel nang biglang dumagundong at kasabay nito ang pagguho ng minahan. Sa tala ng pulisya, noong nakalipas na taon ay gumuho rin ang minahan sa Ba­rangay Cauyunan kung saan dalawang minero ang nasawi habang maraming iba pang minero ang nasugatan.

Show comments