NUEVA VIZCAYA, Philippines — Umaabot na sa 96-katao ang nadale ng diarrhea kung sa pinaniniwalaang lalong lulubo ang bilang ng maapektuhan sa kabundukan ng Ifugao partikular sa bayan ng Mayoyao.
Ayon kay Elnora Bugnosen ng Department of Health, aabot sa 45 porsiyente ay pawang nasa edad isang taon hanggang 5-anyos kung saan lalong tumaas ang bilang ng mga apektadong residente sa 11 barangay sa nabanggit na lalawigan.
“Most of the cases occurred in the first two weeks of March, but since the reporting was delayed, it was only recently that we learned of the sudden increase in the number of diarrhea cases,” pahayag ni Bugnosen.
Kasalukuyan gumagawa ng proper measure ang kinauukulang ahensya ng pamahalaan para mapigilan ang pagkalat ng diarrhea.
Nagsasagawa na rin ng education campaign at pagpapakalat ng impormasyon para sa tamang sanitation sa mga nabanggit na lugar.