^

Probinsiya

Market official dakma sa pagpapaputok ng baril

-

BATANGAS, Philippines – Kulu­ngan ang binagsakan ng isang public market official matapos maaresto ng pu­lisya dahil sa pagpapapu­tok ng baril sa campaign rally sa bayan ng San Juan, Batangas kamakalawa ng gabi.

Pormal namang kaka­su­­han base sa Comelec gun ban si James Mar­quez, 59, ng Barangay Pa­lahanan 2nd, San Juan, Batangas at public market administrator sa nabanggit na bayan.

Sa report na nakarating kay P/Senior Supt. Alberto Supapo, umaalalay si Mar­quez bilang security ni San Juan Mayor Danilo Minda­nao sa campaign rally sa Barangay Palahanan 2nd nang magpaputok ito ng baril bandang alas-7:30 ng gabi

Kaagad namang ina­resto si Marquez sa pa­ngu­nguna ni SPO4 Roberto Canuel saka kinumpiska ang ha­wak na baril.

Sa panayam ng PS Ngayon sa imbestigador, natuwa lang daw si Mar­quez na lango sa alak sa pagdalaw ni Mayor Minda­nao sa kanilang barangay kaya nakapag­paputok ng baril sa ere. Arnell Ozaeta

ALBERTO SUPAPO

ARNELL OZAETA

BARANGAY PA

BARANGAY PALAHANAN

BATANGAS

JAMES MAR

MAYOR MINDA

ROBERTO CANUEL

SAN JUAN

SAN JUAN MAYOR DANILO MINDA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with